OnSched APPTSYS

    Announcement!

    The public is informed that all schedules/appointments set on this website has been suspended as of 1 July 2024. In this regard, all transactions for request for Certification and/or Authentication of Eligibility for All passers of CSE-PPT and COMEX, PBET, POE, FOE, BCLTE and other CSC-conducted examinations, and All those with eligibility granted under special laws, may transact with the Civil Service Commission RO V, Rawis, Legazpi City for the above service from 9 a.m. to 12 p.m. every Monday and 8 a.m. to 12 p.m. the rest of the week.

    Q: Pwede na ba ako mag walk-in?
    A: Opo, pwede na

    Q: Pwede na ngayon? Kailan po pwede?
    A: Kahit anong araw po basta hindi holiday o non-working day

    Q: Anong oras po?
    A: 8 a.m. to 12 p.m. lang po maliban pag lunes dahil may flag raising ceremony. Pag lunes po 9 a.m. po ang start.

    Q: Pwede po 2 p.m.?
    A: Hindi po. 8 a.m. to 12 p.m. lang po ang transaction time

    Q: Pwede po 7 a.m.?
    A: Hindi po. 8 a.m. to 12 p.m. lang po ang transaction time maliban pag lunes dahil may flag raising ceremony

    Q: May appointment po ako na na-set dati, pwede pa ba ako pumunta sa araw at oras na yon?
    A: Hindi na po. Cancelled na po ang appointment nyo. Pumunta na po kayo sa aming opisina kahit walang appointment sa mga oras at araw na nakasaad sa taas.

    Q: Pwede ba ako magtransact sa Field Office nyo?
    A: Hindi po. Ang requests for Certification and Authentication of Eligibility ay sa Regional Office lamang po pwede gawin.

    Q: Malayo pa po pinanggalingan ko. Pwede ba ako i-consider na late?
    A: Pwede naman po kung may mga patunay kayo, pero sana agahan nyo na lang ang pagpunta sa amin dahil baka hindi namin kayo agad matugunan pagdating nyo.

    Q: Sa ibang region ako nag exam. Pwede ba ako sa inyo kumuha ng Certification?
    A: Posible naman po, kung meron ka nang record sa online verification. Kung wala pa, hihingi muna kami sa Regional Office na may hawak ng record mo. Hindi mo po makukuha ito agad dahil medyo matagal po ito.

    Q: Pano ako makakasiguro na dala ko na ang certification ko pag transact ko sa inyo?
    A: Madadala nyo po agad ang request ninyo sa loob ng ilang minuto kung (1) meron kaming record sa eligibility mo; (2) kung wala kang discrepancy sa record; at (3) kung hindi kayo late.

    Q: Isa akong PWD/Pregnant Woman, kailangan ko pa bang pumila?
    A: Hindi na po. Pero kailangan nyo pa rin mag-accomplish ng request form sa computer. Tumungo po kayo sa Public Assistance para ma-assist kayo.

    Q: Pag dating ko ba ay matatransact agad ako?
    A: Depende po kung kayo po ang nauna. Uunahin po namin ang mga nauna sa inyo dahil first come, first served basis po tayo

    Q: Ano po ang kailangan ko dalhin?
    A: Ang requirements po ay nakasulat sa ibaba

    Q: Pwede ba ako pagbigyan kahit mali ang picture ko?
    A: Hindi po. Ang requirement ay requirement kaya sundin lang po natin ito.

    Q: Wala akong ID, may record naman kayo di ba? Nandyan sa inyo ang application ko at ako naman nasa piktyur. Pwede na ba ako pagbigyan?
    A: Hindi po. Ang requirement ay requirement kaya sundin lang po natin ito.

    Q: May mali sa pangalan, birthdate o birthplace ko sa list of passers. Ano ba gagawin ko?
    A: Punta lang po kayo sa aming opisina para ma-assist kayo

    Applicants for Grant of Special Eligibilities (HGE, BOE, and the like) may submit their application at the nearest CSC RO V Field Office during work hours of any working day.

Please prepare the following requirements before your appointment:
Certification of Eligiblity Requirements

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.